Guiding Principle
Mission
Mission ng ApoyoFilipino ay tulungan ang mga Filipino learners na naghahanda para sa DELE A2 exam sa guidance na galing sa tunay na experience. Layunin kong alisin ang kalituhan, sayang na oras, at maling paraan ng pag-review sa pamamagitan ng pag tuturo kung paano talaga gumana ang DELE exam at kung ano ang hinahanap ng mga examiner
Naniniwala ako na ang pagpasa sa DELE A2 ay hindi tungkol sa pagiging perpekto o advanced Spanish. ito ay tungkol sa tamang pag hahanda, tamang strategy, at kumpiyansa sa sarili. Kaya ang mga courses ng ApoyoFilipino ay ginawa para matulungan ang mga learners na mag-aral nang may direksyon, gamitin ang oras nang tama, at harapin and exam nang may tiwala
Higit sa lahat, mission namin na maramdaman ng bawat learner na may gabay at may suporta na hindi sila nag-iisa sa kanilang journey papunta sa pagpasa ng DELE A2 at sa pag-abot ng kanilang goals sa Spain.