MAILYN APOYO FILIPINO
RECOMMENDED · BEST VALUE
APTO SYSTEM BUNDLE

Hirap ka pang bumuo ng Spanish sentence pero kailangan mong pumasa sa DELE A2?

Grammar foundation muna, tapos exam prep para sa 4 pruebas, sa isang path lang. Spanish Grammar Foundation Workbook + DELE A2 Reviewer Course for €89.90 instead of €99.90.

Get the Bundle — €89.90
Physical book + self-paced video course · Free shipping within Spain, 7–10 working days · Card o Klarna
APTO SYSTEM Bundle: Workbook + DELE A2 Reviewer Course with all 4 pruebas

Alam ko ang pakiramdam, Ate at Kuya

Ilang taon ka na sa Spain, pero kapag magsasalita o magsusulat ka na sa Spanish, hirap kang bumuo ng tamang sentence. Busy ka pa sa work, kaya kailangan mo ng review na kaya mong sundan sa sarili mong oras.

Tapos kailangan mo pang harapin ang 4 pruebas ng DELE A2:

  • Comprensión de lectura: ang daming texts, nauubusan ka ng oras.
  • Comprensión auditiva: ang bilis magsalita sa audio, hindi mo mahabol.
  • Expresión e interacción escritas: hindi mo alam paano bumuo ng tamang email o text.
  • Expresión e interacción orales: kinakabahan ka sa examiner at nablablangko ka.

Kung exam reviewer lang ang aaralin mo nang walang Spanish grammar foundation, mahihirapan ka sa lahat ng 4 pruebas. Kaya ginawa ko ang APTO SYSTEM: grammar foundation muna, saka exam prep.

Bakit grammar muna?

Akala ng marami, sa Writing at Oral lang kailangan ang grammar. Pero grammar ang foundation ng lahat ng 4 pruebas. Ito ang dahilan:

  • Comprensión de lectura: madalas nakadepende ang tamang sagot sa tense at conjugation. Halimbawa, ang ha cerrado ay sarado na, pero ang cerrará ay magsasara pa lang. Kung hindi mo kilala ang verb forms, madali kang malito sa options na halos magkapareho.
  • Comprensión auditiva: mabilis magsalita sa audio, at dalawang beses mo lang ito maririnig. Kapag kilala mo na ang sentence structure at verb endings, mas mabilis mong mahuhuli ang ibig sabihin, kahit hindi mo marinig ang bawat salita.
  • Expresión e interacción escritas: walang options dito. Ikaw mismo ang bubuo ng email o text, kaya kailangan ang tamang tense, conjugation, gender at word order.
  • Expresión e interacción orales: kailangan mong sumagot agad sa examiner. Kapag may grammar foundation ka, hindi mo na iniisip ang tamang conjugation habang nagsasalita, kaya mas kalmado ka at hindi ka nablablangko.

Kaya sa APTO SYSTEM, Workbook muna para mabuo ang grammar foundation mo, saka ang DELE A2 Reviewer Course para sa exam practice ng 4 pruebas.

Walang klase na kailangan mong i-attend

Madalas itanong sa akin ito, kaya sasagutin ko na dito: walang live online class at walang classroom. Ikaw ang may hawak ng oras mo.

Video lessons ko + Zoom replays

Sa bawat task, ako mismo ang nasa video na nagpapaliwanag kung paano ito sagutin, sa Taglish, step by step. Kasama rin ang recordings ng mga dating Zoom Q&A sessions ko with my students. Makikita mo ang mga tanong nila at ang mga sagot ko, kasi baka ganoon din ang tanong mo, plus ang tips and strategies na itinuro ko.

Replay anytime, anywhere

Panoorin sa phone o laptop: bago pumasok sa work, sa break, o pag-uwi. Ulitin mo ang lesson hangga't kailangan mo.

May support ka habang nag-aaral

May exclusive group chat ang mga students ko sa Discord. Kapag may tanong ka habang nag-aaral, i-post mo lang doon at sasagutin kita.

Sarili mong pace, walang expiry

Walang schedule na hahabulin. Unlimited ang access mo, kaya puwede kang bumalik sa lessons kahit tapos na ang exam.

Para kanino ito

  • Beginner o A1–A2 ka at gusto mong ihanda ang sarili hanggang DELE A2
  • Hirap ka pang bumuo ng sentences sa tamang tenses at conjugation
  • Busy ka sa work at gusto mong mag-review sa sarili mong oras, kahit after work
  • 1–2 ang "HINDI PA" mo sa DELE A2 Readiness Check
  • Gusto mo ng malinaw na order: grammar muna, tapos exam

Ano ang kasama

  • Spanish Grammar Foundation Workbook (physical, 164 pages, A1–A2, Taglish explanations)
  • Full DELE A2 Reviewer Course (online, self-paced): video lessons na ako mismo ang nagtuturo kung paano sagutin ang bawat task, recordings ng mga dating Zoom Q&A sessions ko with my students, unlimited replay, tips and strategies, realistic exam examples, at downloadable printable materials na puwede mong i-print
  • Exclusive student group chat sa Discord para sa mga tanong mo, plus Free Writing Evaluation
  • Unlimited access and free updates

Ano ang HINDI kasama

  • Walang PDF ng Workbook
  • Walang shipping ng Workbook sa labas ng Spain
  • Hindi kasama ang 1-on-1 Prueba Oral Practice (hiwalay na service, €12/hour, exclusive para sa course students)
  • Hindi kasama ang bayad sa DELE A2 exam mismo

Workbook €40 + Course €59.90 = €99.90

You save €10
€89.90

One-time payment. The workbook ships free within Spain. Your course login arrives by email right after you enroll.

Get the Bundle — €89.90

Totoong resulta

500+ Filipinos trusted400+ workbook orders100+ course students16+ APTO sa DELE A2 (2026)

16+ students ko ang APTO sa DELE A2 noong Feb, April at May 2026 exams. Ito ang sinasabi nila:

"Legit po ito si Ms. Mailyn, highly recommended po sa mga gusto maintindihan kung panu gumagana ang exam sa DELE A2. Big help po sakin."Janet M. · Facebook recommendation
"She is doing her best for every Filipino who asked help from her, approachable and generous on ideas and tricks. Highly recommended."Mhar R. · Facebook recommendation
"Siii, 100% legit, muy recomendable."Loisan C. V. · Facebook recommendation
"Mas madaling intindihin kesa sa mga na-try ko noon."Workbook buyer
Totoong message ni Ate Janet: APTO sa DELE A2
Totoong message ng student tungkol sa Prueba Oral

FAQ

May live classes ba na kailangan kong i-attend?

Wala. Walang live online class at walang classroom. May video lessons kung saan ako mismo ang nagpapaliwanag kung paano sagutin ang bawat task, at may recordings ng mga dating Zoom Q&A sessions ko with my students, kung saan sinagot ko ang mga tanong nila at nagbigay ako ng tips and strategies. Puwede mong panoorin at i-replay ang lahat anytime, anywhere, sa phone o laptop. Kapag may tanong ka habang nag-aaral, i-post mo lang sa exclusive student group chat sa Discord at sasagutin kita.

May printable materials ba ang Course?

Oo. May printable materials sa loob ng course na puwede mong i-download at i-print, para makapag-practice ka sa papel, kahit walang internet.

Physical book ba ang Workbook?

Oo, physical book lang. Walang PDF.

Gaano katagal ang delivery ng Workbook?

7–10 working days within Spain. Free ang shipping.

Paano ako magla-login sa Course?

Gamit ang email mo, pagkatapos magbayad.

Hanggang kailan ang access ko sa Course?

Unlimited access. Walang expiry.

Paano ang Free Writing Evaluation?

I-send ang writing mo sa Discord community, at doon ko ito ie-evaluate.

Paano magbayad?

Card o Klarna, sa secure checkout.

Pwede ba akong mag-refund?

Ang DELE A2 Reviewer Course ay digital at makukuha mo agad pagkabayad, kaya hindi na ito refundable kapag nagsimula na ang access. Hihingin ang pagsang-ayon mo rito sa checkout bago ka magbayad. Ang workbook naman ay pwedeng ibalik sa loob ng 14 days mula nang matanggap, hindi nagamit, at ikaw ang sasagot sa return shipping. €30 ang ire-refund para sa libro.

Mailyn, founder ng Apoyo Filipino, sa harap ng turquoise na pinto sa Spain

Hola, soy Mailyn

OFW din ako. Nag-au pair ako sa Denmark at Norway, tapos pumasok ako sa Spain noong July 2019 gamit ang Schengen au pair visa ko. Dito, nag-start ako as a nanny, 12 hours a day, at nag-self-study ng Spanish grammar, little by little.

Ngayon, Filipino-Spanish dual citizen na ako, at APTO ako sa DELE A2 at CCSE. Full-time ko nang pinapatakbo ang Apoyo Filipino bilang DELE A2 Coach at author ng Spanish Grammar Foundation Workbook.

Poco a poco, paso a paso.

Poco a poco, paso a paso. Simulan mo na ang buong path.

Get the Bundle — €89.90
Physical book + self-paced video course · Free shipping within Spain, 7–10 working days · Card o Klarna

May tanong? Basahin muna ang FAQ sa itaas, o i-WhatsApp ako: +34 672 589 357